_ngayon
^
Romualdez susuportahan ni Duterte sa pagka-VP
Inilutang din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na tumakbong bise presidente pero naka-depende aniya ito kung kakandidato si House Majority Leader Martin Romualdez.
Boy Santos

Romualdez susuportahan ni Duterte sa pagka-VP

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si House Majority Leader Martin Romualdez sakaling kumandidato itong bise-presidente sa eleksiyon sa susunod na taon.

Inilutang din ni Duterte ang posibilidad na tumakbong bise presidente pero naka-depende aniya ito kung kakandidato si Romualdez.

“Ang politics ko is just a small window, whether I run for [vice] president or not. It is dependent on the word of honor I gave to Romualdez. Pag tumakbo siya, count me out,” ani Duterte.

Sinabi ni Duterte na tutuparin niya ang naunang pangako kay Romualdez.

“Kaya ang deal ko sa kanya ganito— wag ka nalang maghabol diyan, and next election, which is just around the corner, if you run for Vice President, I will support you. And I will hold on that commitment,” ani Duterte.

Ayon kay Duterte, nangako siya kay Romualdez noong 2019 nang mamagitan siya sa kasunduang term-sharing nina Reps. Alan Peter Cayetano at Lord Allan Velasco.

Hiniling ni Duterte kay Romualdez na pagbigyan na lamang sina Cayetano at Velasco at bilang kapalit ay susuportahan niya ito sa pagtakbong bise presidente sa 2022.

Nauna nang kinumpirma ni Cayetano noong Enero 2021 na si Romualdez ang nais maging kandidato ni Duterte sa pagka-bise presidente.

Sinabi ni Cayetano na una niyang narinig ang alok ni Duterte kay Romualdez noong pinaglalabanan ang speakership.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with