^

Bansa

Kaso ng COVID-19 umakyat ng 15% sa nakalipas na 2 linggo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kaso ng COVID-19 umakyat ng 15% sa nakalipas na 2 linggo
Sinabi ni Dr. Alethea de Guzman, chief epidemiologist ng DOH, na ang 15% case growth rate mula Mayo 30 hanggang Hunyo 12 ay mataas kumpara sa naitalang -13% mula Mayo 16 hanggang Mayo 29.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umakyat ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong bansa ng 15% sa nakalipas na dalawang linggo sa kabila ng pagpatag ng mga kaso noong nakaraang Mayo.

Sinabi ni Dr. Alethea de Guzman, chief epidemiologist ng DOH, na ang 15% case growth rate mula Mayo 30 hanggang Hunyo 12 ay mataas kumpara sa naitalang -13% mula Mayo 16 hanggang Mayo 29.

Unti-unti ring umaakyat ngayon ang average daily cases na naitala sa 6,609 kada araw mula Hunyo 7-13 kumpara sa 6,558 arawang kaso mula Mayo 31-Hunyo 6.

Sa kabila ng bahagyang pagtaas sa mga kaso, nananatiling nasa ‘moderate risk’ ang buong Pilipinas habang nasa ‘safe zone’ naman ang ‘utilization rate’ ng mga healthcare facilities.

Bukod dito, bumaba rin ang bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19 nitong Hunyo.  Ayon kay de Guzman, mula Hunyo 1-14 ay nakapagtala ng kabuuang 720 deaths na may daily average na 51.

Mas mababa ito sa 3,000 kabuuang indibidwal na nasawi noong buong Mayo na may daily average na 97 deaths.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with