^

Bansa

7 milyong Pinoy na ang bakunado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
7 milyong Pinoy na ang bakunado
Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa pagdinig ng Committee of the Whole (COW) sa Senado na 7,045,380 dose ang naibigay mula Marso 1 hanggang Hunyo 14.
AFP/Joseph Prezioso

MANILA, Philippines — Mahigit sa 7 milyon na ang nakatanggap ng bakuna kontra sa COVID-19 sa bansa.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa pagdinig ng Committee of the Whole (COW) sa Senado na 7,045,380 dose ang naibigay mula Marso 1 hanggang Hunyo 14.

Habang nakumpleto ang dalawang dose ng bakuna ng 980,471 medical frontliners, 486,945 senior citizens, 429,301 person with comorbidities at 7,067 essential workers.

Mayroon namang 5,141,596 ang nakatanggap ng unang dose at sa kasalukuyan ay mayroong 3,944 vaccination sites sa bansa.

Nakapamahagi na rin umano sa mga vaccination site ang 10,374,850 COVID vaccine dose mula sa 12,705,870 suplay nito.

Sinabi rin ni Galvez na lampas na rin ng isang milyon kada linggo ang nababakunahang Filipino sa dalawang magkasunod na linggo.

Ngayong buwan ay inaasahang makakatanggap ng 6.4 milyong dose ng bakuna ang bansa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with