^

Bansa

Joma ibalik sa Pinas! - NTF-ELCAC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Joma ibalik sa Pinas! - NTF-ELCAC
Dagdag pa ni Catura ang maling pagpatay kay Kieth Absalon at kanyang pinsan gamit ang pinasabog na APM ay magsisilbing susi upang maging pandaigdigan ang kanilang panawagan na maibalik si Sison sa bansa upang harapin ang mga ganitong kaso ng karahasan.
www.ndfp.org

MANILA, Philippines — Ipupursige ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Dutch government ang pagpapa-deport kay Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) founder Jose Maria Sison, pabalik sa Pilipinas para malitis sa kanyang mga umano’y kasalanan at paglabag sa International Humanitarian Laws (IHL) kabilang ang pagpapasabog ng Anti-Personnel Mine (APM) ng mga NPA na ikinamatay ng  football player na si Kieth Absalon at kanyang pinsan.

Ayon kay Usec. Nonoy Catura, tagapagsalita ng task force sa larangan ng Human Rights, na dadalhin nila ang panawagan sa United Nations, lalo na sa Ottawa, Canada kung saan may nakatakdang pagpupulong na gagawin hinggil sa APM Treaty Convention na inilatag pa  noong 1997 na siyang nagbabawal ng paggamit ng APM.

Dagdag pa ni Catura ang maling pagpatay kay Kieth Absalon at kanyang pinsan gamit ang pinasabog na APM ay magsisilbing susi upang maging pandaigdigan ang kanilang panawagan na maibalik si Sison sa bansa upang harapin ang mga ganitong kaso ng karahasan.

Samantala, si Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr. Commander ng  South Luzon Command (SoLCom) na siyang nangunguna sa pagtugis sa NPA na responsable sa pagpatay kay Absalon ay nagsabi na ang pagsuko ng karamihan sa mga teroristang-kumunista ang dahilan ng mga NPA na gumawa ng mga pagpatay upang maiparamdam na kaya pa nilang labanan ang pamahalaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga APM. 

vuukle comment

JOSE MARIA SISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with