_ngayon
^
Palasyo: Hindi 'spin' sabihing no. 2 sa ASEAN vaccinations ang Pilipinas
Napapapikit na lang sa kirot ang lalaking ito habang tinuturukan ng bakuna laban sa COVID-19 sa Lungsod ng Maynila, ika-30 ng Marso, 2021
AFP/Jam Sta. Rosa

Palasyo: Hindi 'spin' sabihing no. 2 sa ASEAN vaccinations ang Pilipinas

(Philstar.com) - June 14, 2021 - 6:46pm

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Malacañang na pinaglalaruan ng gobyerno ang mga salita para magmukhang isa sa mga nangunguna sa coronavirus disease (COVID-19) immunization ang Pilipinas sa rehiyon ng Timogsilangang Asya.

Tama sabihing number 2 sa Southeast Asian COVID-19 vaccination ang bansa kung absolute figures ang gagamitin. Pero kung porsyento ng populasyong nabakunahan ang batayan, top 8 lang ang Pilipinas sa datos ng Our World in Data — isa sa pinakakulelat.

"Certainly not [spinning the issue], because the same database also includes the number of doses actually given," ani Roque sa isang press briefing, Lunes.

"Wala pong pagkakamali roon, it's just two ways of looking at the numbers. One is absolute numbers, and we remain second. There is no deception. And another is a percentage number which depends on your population."

Sa pinakasariwang datos ng pamahalaan kanina, 6,948,549 doses na ng COVID-19 vaccines ang naituturok mula sa kabuuang 12,605,870 supplies na lumapag sa Pilipinas.

Sa report ng Our World in Data ngayong Hunyo, ika-8 lang sa 10 bansa sa Southeast Asia ang Pilipinas kung isasang-alang-alang ang bahagi ng populasyon na nabakunahan na:

  1. Singapore (42.8%)
  2. Cambodia (16.72%)
  3. Brunei (11.37%)
  4. Laos (9.74%)
  5. Malaysia (8.76%)
  6. Indonesia (7.19%)
  7. Thailand (5.94%)
  8. Philippines (4.23%)
  9. Myanmar (3.26%)
  10. Vietnam (1.40%)

Minaliit naman ng Palasyo ang mataas na porsyento ng Singaporean population na may proteksyon na mula sa nakamamatay na virus, habang idinidiin ang liit ng bilang ng kanilang mamamayan.

"Natural, 50% ng Singapore [ang bakunado] eh ilan lang naman [ang populasyon] ng Singapore? Wala pa ata silang 4 million. There is absolutely no deception when you use absolute numbers. Katotohanan lang po," pagtatapos ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa huling ulat ng Department of Health ngayong araw, umabot na sa 1.32 milyong katao ang nadadali ng COVID-19. Sa bilang na 'yan, pumanaw na ang 22,845. — James Relativo

COVID-19 VACCINES HARRY ROQUE NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with