_ngayon
^
Metro Manila mayors, OCTA pabor sa normal GCQ
Ang mga tapat na Katoliko ay pumila habang binibigyan ng tulong ng mga kasapi ng Hijos del Nazareno pagpasok nila sa Minor Basilica ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila noong Mayo 21, 2021.
The STAR/Miguel de Guzman, file

Metro Manila mayors, OCTA pabor sa normal GCQ

Ludy Bermudo, Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinag-uusapan na ng Metro Manila mayors ang posibilidad na ilagay ang National Capital Region sa normal na general community quarantine (GCQ) simula sa Hunyo 16.

Ito’y dahil sa mala­king bilang na ang nabakunahan lalo na’t dinadagsa ngayon ang vaccination sites ng A-4 category kung saan kabilang ang essential workers, mula sa pribado, gobyerno at mga manggagawa mula sa informal sector at self-employed.

Maging ang independent OCTA Research Group ay nais na ring maibaba ang ‘quarantine restriction’ sa Metro Manila sa “ordinary” GCQ kasunod ng patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

“Sinusupport natin yan because at this time, gumaganda naman ang situation sa NCR. We can take some risks na pagbubukas ng businesses. So far, wala pa naman tayong nakikita community transmission sa businesses,” ayon kay OCTA member Prof. Guido David.

Sa kanilang datos, nasa 27% na lamang ng mga bagong kaso ng COVID-19 ang nagmumula sa Metro Manila mula sa 97% noong kasagsagan ng surge sa pagitan ng Marso 29 hanggang Abril 4.

Bumaba na rin ang ‘reproduction rate’ sa 0.72 na mas mababa na sa 1, bumaba rin ang positivity rate sa 8% at nasa safe level na ang hospitalization rate sa 40%.

Sa kabila nito, inamin ng OCTA na nananatili pa rin ang banta ng panibagong ‘surge’ ng mga kaso sa pagluluwag kaya mas dapat bantayan ang mga malalaking pagtitipon ng mga tao hindi lang sa Metro Manila ngunit maging sa Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Una nang inilagay ang NCR Plus sa GCQ with restrictions simula Hunyo 1 hanggang 15, 2021.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with