_ngayon
^
Pagtaas ng net worth ni Robredo, dahil sa namanang ari-arian
Ang pahayag ay ginawa ni Robredo kasunod ng ulat na ang kanyang net worth ay tumaas ng P11.9 milyon.
The STAR/Geremy Pintolo, File photo

Pagtaas ng net worth ni Robredo, dahil sa namanang ari-arian

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni Vice Pres. Leni Robredo na ang pagtaas ng kanyang net worth noong 2020 ay dulot ng mga ari-ariang namana niya mula sa namayapa niyang ina noong nakaraang taon.

Ang pahayag ay ginawa ni Robredo kasunod ng ulat na ang kanyang net worth ay tumaas ng P11.9 milyon.

Ayon pa kay Robredo, maaari pang magbago ito dahil ang estate ng kaniyang ina ay hindi pa nahahati sa kanilang magkakapatid.

“Namatay yung nanay ko at ako lang ang anak dito. Ang mga kapatid ko nagtatrabaho sa labas ng bansa. Tatlo kaming magkakapatid. So ako yung parang executor. Di ko pa natatapos kasi marami pa kaming ‘di nadidiskubre kasi wala sa listahan dati,” paliwanag pa ni Robredo.

“Ang nireport ko lang (sa SALN), yung nasa akin. Wala pa kaming extrajudicial settlement. Meron akong nakalagay sa aking SALN na subject to final settlement,” aniya pa.

Inihayag pa ng ikalawang pangulo na susubukan niyang isapinal na ang estate ng kanyang ina pag-uwi niya sa kanilang bayan sa Naga City.

Nabatid na noong 2019 ang net worth ni Robredo ay nasa P3.5 milyon lamang, o mas mataas ng P1.2 milyon mula sa dati niyang net worth na P2.3 milyon noong 2018.

LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with