^

Bansa

2% pa lang ng 109 milyong Pinoys ang bakunado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot pa lamang sa dalawang porsyento ng populasyon ng bansa ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 may halos tatlong buwan makaraan ang umpisa ng ‘vaccination program’ ng pamahalaan.

Ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Dr. Leopoldo Vega, halos dalawang milyon pa lamang sa 109.48 milyong populasyon ng bansa ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna mula nang umpisahan ang vaccination nitong Marso 1.

Inamin ni Vega na sa naturang numero, mahihirapang maabot ang target nila na makapagpabakuna ng 50% hanggang 70% ng populasyon ng bansa bago matapos ang kasalukuyang taon.

Para maabot ang naturang target, kailangang mabakunahan ang average na 500,000 indibidwal kada araw. Ngunit magdedepende umano ito sa mga dumadating na suplay ng bakuna sa bansa.

Una nang humingi ng paumanhin si vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagkabinbin ng delivery ng mga bakuna sa ilang lokal na pamahalaan.

Ipinayo ni Vega na mga brand na AstraZeneca, Sinovac at iba pang bakuna na hindi masyadong sensitibo sa temperatura ang dalhin sa mga malalayong lugar upang maserbisyuhan rin ang mga mamamayan sa mga kanayunan.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with