_ngayon
^
6 âmanokâ ng oposisyon sa Pres., VP sa 2022 pinili na
Kabilang sa anim sina Vice President Leni Robredo, Senator Grace Poe, dating senator Antonio Trillanes IV, CIBAC Party-list Rep. Eddie Villanueva, Batangas Rep. Vilma Santos, at human rights lawyer Chel Diokno.
STAR/ File

6 ‘manok’ ng oposisyon sa Pres., VP sa 2022 pinili na

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng kowa­lisyon ng oposiyon na 1Sambayan ang anim na pangalan na kanilang pagpipilian sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo sa eleksiyon sa susunod na taon.

Kabilang sa anim sina Vice President Leni Robredo, Senator Grace Poe, dating senator Antonio Trillanes IV, CIBAC Party-list Rep. Eddie Villanueva, Batangas Rep. Vilma Santos, at human rights lawyer Chel Diokno.

Sa anim nila pipiliin ang susuportahang kandidato sa dalawang pinakamataas na posisyon ng bansa.

Ayon sa kowalisyon, pinili nila ang anim base sa kanilang pagkatao, personal at public integrity, competence, track record, mga proyekto at adbokasiya.

Nauna nang sinabi ni Atty. Howard Calleja, isa sa mga co-convenors ng koalisyon, ikinonsidera rin nila ang track-record at paninindigan ng mga kandidato sa isyu ng pandemic response, trabaho, kahirapan, West Philippine Sea at iba pa.

Sinabi pa rin ni Calleja na namili sila sa maraming pangalan na isinumite para sa mga posibleng maging susunod na presidente at bise presidente.

Matatandaan na ini­hayag kamakailan ni Robredo na bukas siya sa pagtakbo sa pinakamataas na posisyon ng bansa pero ayon sa kanyang kampo ay sa huling bahagi pa ng Seytembre iaanunsiyo ang pinal na desisyon.

Sa anim, nauna nang nagpahayag ng kanyang intensiyon na tumakbong pangulo ng bansa si Trillanes.

Samantala, bagaman at nagpasalamat si Poe nilinaw nito na wala siyang balak na muling kumandidatong presidente ng bansa.

“I sincerely thank 1Sambayan for conside­ring me. I have no plans for 2022,” pahayag naman ni Santos-Recto.

LENI ROBRED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with