_ngayon
^
House-to-house na pagbabakuna sa seniors
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi lang pag-aalangan ang nakikitang dahilan sa mga matatanda, kung ’di sa takot na lumabas dahil sa pangambang mahawaan ng COVID-19, ’yung iba ay takot magbiyahe o sumakay, at ang iba naman ay bedridden.
The STAR/Michael Varcas

House-to-house na pagbabakuna sa seniors

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

Giit ng DOH sa LGUs

MANILA, Philippines — Aminado ang Department of Health (DOH) na malaking hamon pa rin ang mababang turn-out ng mga nababakunahang senior citizen at naniniwala siyang solusyon dito ang ginagawang pagbabahay-bahay ng local government units (LGUs).

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi lang pag-aalangan ang nakikitang dahilan sa mga matatanda, kung ’di sa takot na lumabas dahil sa pangambang mahawaan ng COVID-19, ’yung iba ay takot magbiyahe o sumakay, at ang iba naman ay bedridden.

Nasa 5 porsyento umano mula sa 8-milyong senior citizens ang naturukan na ng COVID-19 vaccines.

Sila ay kabilang sa se­cond priority o A-1 group, kasunod ng medical frontliners sa COVID-19 vaccination program, dahil sa pagiging ‘high risk’ na matamaan ng malalang sintomas ng nasabing virus.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with