_ngayon
^
COVID-19 vaccines mula COVAX puwede na sa A5 group sa NCR Plus 8
“‘Yung mga COVAX Facility donated dito sa NCR Plus 8, pwede nang iturok sa A5,” sabi ni Undersecretary Myrna Cabo­taje, chair ng National COVID-19 Vaccination Operations Center.
World Health Organization, Release

COVID-19 vaccines mula COVAX puwede na sa A5 group sa NCR Plus 8

(Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaari nang simulan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa indigent population o mga kasama sa kategorya ng A5 sa vaccination priority program ng gobyerno gamit ang mga bakunang ibinigay ng COVAX facility.

“‘Yung mga COVAX Facility donated dito sa NCR Plus 8, pwede nang iturok sa A5,” sabi ni Undersecretary Myrna Cabo­taje, chair ng National COVID-19 Vaccination Operations Center.

Sa panayam sa TeleRadyo Sabado ng umaga, sinabi ni Cabotaje na hindi kasama sa alokasyon ng mga bakunang donasyon mula sa COVAX ang para sa economic frontliners o A4.

Ang pwede lang an­yang ibigay sa A4 ay ’yung mga binili ng mga national, local at private sector.

Habang ang mga donation ng COVAX ay para sa A1 (health workers), A2 (senior citizens), A3 (persons with comorbidity) and A5 (indigents).

Nito lamang nakaraang mga araw ay dumating ang halos 2.28 milyong doses ng bakunang Pfizer sa bansa.

“Pwede na rin gamitin sa poor population, sa mga merong Pfizer sa NCR Plus 8 area muna,” sabi niya.

Binubuo ang NCR Plus 8 ng Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, and Rizal.

Naniniwala naman si Cabotaje na magiging re­gular na ang pagdating ng mga bakuna sa susunod na buwan.

COVAX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with