_ngayon
^
Abogado timbog ng NBI sa âkotongâ
Nakaditine ngayon sa NBI-Naga City detention cell ang suspek na si Atty. Ferdino Condez, makaraang tanggapin ang pera buhat sa may-ari ng isang cellphone shop na binantaan umano niyang ipasasara, nitong nakaraang Miyerkules.
STAR/ File

Abogado timbog ng NBI sa ‘kotong’

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado sa isang en­trapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang abogado na nagpakila­lang empleyado ng Optical Media Board (OMB) at miyembro umano ng isang kilalang law fraternity sa bansa na Aquila Legis.

Nakaditine ngayon sa NBI-Naga City detention cell ang suspek na si Atty. Ferdino Condez, makaraang tanggapin ang pera buhat sa may-ari ng isang cellphone shop na binantaan umano niyang ipasasara, nitong nakaraang Miyerkules.

Sa ulat, Hunyo 8 nang magtungo sa tanggapan ng NBI-Naga ang isang negosyante at inireklamo si Condez.

Sinabi ng complainant na ilang nagpakilalang mi­yembro ng OMB kabilang na si Condez ang nagtungo sa pag-aari niyang HYH Cellphone and Accessories shop, at kinumpiska ang mga memory card at cellphone na naka-display saka nagbanta na ipasasara sila dahil sa sinasabing mga paglabag.

Nakiusap ang negosyante na huwag silang ipasara. Dito umano siya hiningian ni Condez ng P500,000 na kinalaunan ay naibaba sa P350,000.

Dito na nagtungo sa NBI ang negosyante at saka ikinasa ang entrapment operation sa loob ng restoran ng isang hotel.

Matapos mag-abutan ng pera, inaresto na ng mga nakaantabay na tauhan ng NBI si Condez.

Nahaharap ngayon si Condez sa paglabag sa Article 294 (Robbery/Extortion) ng Revised Penal Code at Republic Act 3019 (Anti Graft and Corrupt Practices Act).

NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with