_ngayon
^

Walang masama kung ‘di agad mabigyan ng 2nd dose – expert

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang dapat ipag-alala ang sinumang indi­biduwal na may katagalan na mabakunahan ng kanilang ikalawang dose ng Covid-19 vaccine.

Ayon kay Vaccine Development Expert Panel head Dr. Nina Gloriani , mas mabibigyan ng sapat na panahon na madevelop ang antibodies sa katawan ng tao kapag may mahabang panahon ng pagitan ng first dose at second dose ng bakuna na naibigay sa isang tao.

Wala anyang big deal kung ang isang tao na nabakunahan ay may katagalan o aabot sa tatlong buwan bago bigyan ng 2nd dose.

Sinabi naman ni Infectious disease expert Dr. Edsel Salvana na kung tumagal na mabigyan ng second dose ay wala namang masama pero mas mabuti anya na mabigyan ito ng second dose sa itinakdang panahon para magkaroon ng full protection mula sa bakuna.

Sa ngayon, makaraang mabigyan ng first dose, may 28 araw na interval ang ibinibigay ng mga doktor bago bigyan ng second dose ng Covid-19 vaccine.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with