_ngayon
^
Bakunadong seniors puwede nang lumabas
Subalit kaila­ngan nilang ipakita ang ka­nilang COVID-19 vaccination cards kapag hinanap sa kanila kasabay pa rin ng pagsunod sa minimum health standards.
The STAR/Michael Varcas, file

Bakunadong seniors puwede nang lumabas

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na lumabas ng bahay ang mga senior citizen na kumpleto na ang bakuna sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Subalit kaila­ngan nilang ipakita ang ka­nilang COVID-19 vaccination cards kapag hinanap sa kanila kasabay pa rin ng pagsunod sa minimum health standards.

Sa kabila nito, nilinaw naman ng IATF na ang interzonal travel ay ipinagbabawal pa rin sa mga senior citizens kahit kumpleto na ang kanilang bakuna maliban na lamang sa point-to-point travel.

Nauna nang ipinagbawal ng pamahalaan na lumabas ng bahay ang 65 taong gulang pataas para sa mga non-essential trips dahil maituturing silang high risk para sa severe COVID-19.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez na maraming negosyante ang paulit-ulit na umaapela sa task force para luwagan ang restrictions sa mga bakunadong seniors para makatulong sa paglago ng ekonomiya.

Base sa datos ng gobyerno, lumalabas na mayroong 369,387 senior citizens sa buong bansa ang nabakunahan na kontra COVID-19 habang 1.5 milyon ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng bakuna.

Samantala, ikinatuwa naman ng mga senior citizen ang pagpayag ng IATF na makalabas na sila matapos magtiis ng mahigit isang taon dulot ng COVID pandemic.

Sinabi ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong “ Ordanes na gaganahan at mamo-motivate na ang iba pang mga senior citizens na magpabakuna.

Pero dapat anyang alam ng mga barangay officials ang bagong polisiyang ito lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ with heightened restrictions, nasa regular GCQ at MGCQ.

Pinaalalahanan din ni Ordanes ang mga Brgy. Tanod na kapag nakita na hindi tama ang pagsusuot ng face shield at face masks ay pagsabihan na lamang ang mga senior at hindi kailangang sigawan at pagalitan dahil nadadaan naman ito sa pakiusap. — Joy Cantos

COVID-19 VACCINE SENIOR CITIZEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with