_ngayon
^

Bansa

Joma may pananagutan sa pagkamatay ng magpinsang Absalon - NTF-ELCAC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng National Task Force En­ding Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na may panana­gutan si Jose Maria Sison at iba pang lider ng CPP-NPA-NDF sa pagpatay kina Kieth at Nolven Absalon.

Sinabi ni Undersecretary Severo Catura, exe­cutive director ng Presidential Human Rights Committee Secretariat (PHRCS) ng NTF-ELCAC, lahat ng lider ng CPP-NPA-NDF, partikular si Sison ay may personal na pananagutan sa pagpatay sa mga Absalon sa ilalim ng International Humanita­rian Law (IHL) at ng mga domestic law.

“Ating tinutukoy ang Geneva Convention (IV) at Additional Protocols covering civilian protection, and Republic Act No. 9851, o ang “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law,” ani Catura.

Matatandaang inako na ng NPA ang pagkakapatay sa mga Absalon noong Hunyo 6 sa Masbate City nang pasabugin ng mga ito ang anti-personnel mine (APM) na kanilang itinanim sa daanan ng mga biktima na nagbibisikleta lamang bago ang pangyayari.

Ang paggamit at paggawa ng mga APM, kabilang na ang mga tinatawag na improvised explosive devices (IED), ay pinagbabawal ng batas dahil hindi nito nakikilala kung sino ang mga sibilyan at mga combatants.

Nakapagtala rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 141 insidente ng paglikha, pag-iingat, pagbiyahe at paggamit ng mga bomba ng NPA na nakapinsala at nakapatay na ng 30 sibilyan.

CPP NATIONAL TASK FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with