_ngayon
^

2.8 milyong bakuna mula COVAX dumating

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling nakatanggap ang Pilipinas ng panibagong 2.8 milyong doses ng bakuna buhat sa COVAX Facility na inaasahang malaking tulong para sa tuluy-tuloy na pagpapabakuna ng maraming mga Pilipino ngayong buwan.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na kritikal ang pagdating ng mga bagong suplay ng bakuna. Ito ay makaraan ang reklamo ng ilang mga lokal na pamahalaan na kapos na sila sa suplay ng bakuna para maipagpatuloy ang ‘vaccination program’.

“We will use these vaccines among our A1 to A3 priority groups. If we don’t vaccinate them we will encounter the same packed emergency rooms, unavailable intensive care units, and even hospital beds during the next surge,” ayon kay Duque.

Na-monitor naman ng World Health Organization (WHO) ang mga pagtaas ng kaso sa ibang rehiyon sa bansa.

Sinabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, WHO Representative to the Philippines na kailangan pang palakasin ang ‘vaccination coverage’ para sa A1, A2 at A3 priority groups na siyang pinaka-delikado ang kalagayan kapag nahawa ng virus.

“The additional 2 million doses of the Pfizer-BioNTech vaccine are definitely a huge step that would contribute to our joint effort to overcome COVID-19,” ayon naman kay Oyunsaikhan Dendevnorov, UNICEF Philippines Representative.

Sa kabila na mas ma­taas pa rin ang demand kaysa sa napoprodyus na suplay ng bakuna, patuloy pa rin ang COVAX Facility sa pagdeliber ng libreng mga bakuna sa mga mahihirap na bansa.

Noong Mayo 10, nakatanggap ang Pilipinas ng 193,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine buhat sa kanila.

COVAX COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with