_ngayon
^
Active COVID-19 cases sa Pilipinas pinakamataas sa loob ng lagpas 1 buwan
Young Marikina residents engage in outdoor activities at the city's River Park on Tuesday morning, June 1, 2021, as the government renews the general community quarantine status for the National Capital Region and four nearby provinces.
The STAR/Walter Bollozos

Active COVID-19 cases sa Pilipinas pinakamataas sa loob ng lagpas 1 buwan

(Philstar.com) - June 11, 2021 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health ng 6,686 bagong infection ng coronavirus disease , Biyernes, kung kaya nasa 1,300,349 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,300,349
  • Nagpapagaling pa: 61,345, o 4.7% ng total infections
  • Kagagaling lang: 3,190, dahilan para maging 1,216,497 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 196, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 22,507

Anong bago ngayong araw?

  • Nasa 61,345 katao pa rin ang patuloy na nagpapagaling sa COVID-19 sa Pilipinas. Ito na ang pinakamataas na bilang ng aktibong kaso ng sakit sa loob ng 34 araw. Huling mas mataas ang datos riyan noong ika-8 ng Mayo.

  • Papayagan na ang paglabas-labas ng bahay ng mga senior citizens edad 65-anyos pataas sa mga general community quarantine (GCQ) at modified GCQ areas simula ika-16 ng Hunyo, ayon sa bagong guidelines ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

  • Sa parehong bagong panuntunan, pwede na ring magbukas ang indoor non-contact sports venues gaya ng gyms, fitness studios, skating rinks at racket sports sa NCR Plus areas basta't 30% venue capacity lang. Sa kabila niyan, dapat munang merong "safety seal certificates" ang mga nasabing lugar.

  • Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez kanina sa Laging Handa briefing, nasa 22,000 manggagawa ang makababalik ng trabaho sa ngayon dahil sa muling pagbubukas ng mga gym sa gitna ng COVID-19 pandemic.

  • Binalaan naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga namemeke ng kanilang sakit (comorbidities) sa pag-asang mauuna sa COVID-19 vaccinations. Aniya, may mga kaukulang parusa ito sa ilalim ng Republic Act 11332 maliban pa sa mga iba pang kaso.

  • Bagama't binitiwan na ng gobyerno ng Pilipinas ang unang pangakong "herd immunity" sa Metro Manila atbp. probinsya bago magtapos ang 2021, umaasa pa rin naman si Vergeire na kayang maabot ang "population protection" ngayong taon.

  • Kung steady ang supply ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas, naninindigan si Marikina City Mayor Marcy Teodoro na kayang abutin ng kanilang lungsod ng herd immunity sa loob lang ng 21 araw. Kasalukuyang may problema sa suplay ng bakuna ang Marikina dahilan para masuspindi ang bakunahan ng first dose sa naturang bayan.

  • Ibinalita naman ni OCTA Research ang kapansin-panding pagbagal sa pagdami ng COVID-19 cases sa National Capital Region, bagay na mas mababa raw ng 17% kumpara noong nakaraang linggo.

  • Sa kabila niyan, ibinalik sa GCQ ang Davao del Norte matapos maitala ang "alarming" na pagtalon sa mga bagong kaso sa lugar, ayon sa Executive Order 26, Series of 2021 na inilabas kahapon. Dating nasa pinakamaluwag na MGCQ ang naturang lugar.

  • Umabot na sa halos 174.1 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang mahigit 3.8 milyong katao.

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

COVID-19 TALLY PHILIPPINES DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with