_ngayon
^
Pamemeke ng 'comorbidity' para mauna sa COVID-19 vaccine may parusa â DOH
People belonging to A1 to A4 categories queue for a Sinovac vaccine at Bagong Silang Elementary School in Caloocan City on June 9, 2021.
The STAR/Michael Varcas

Pamemeke ng 'comorbidity' para mauna sa COVID-19 vaccine may parusa — DOH

James Relativo (Philstar.com) - June 11, 2021 - 1:22pm

MANILA, Philippines — Maaaring humarap sa multa at pagkakakulong ang mga magsisinungaling patungkol sa kanilang "sakit" para lang mauna sa mabakunahan laban sa coronavirus disease, paglilinaw ng Department of Health.

Sa ngayon kasi, ilan na ang nahuhuling namemeke ng sakit (comorbidity) gaya ng sa Cebu para lang maunahan ang iba sa COVID-19 vaccines. Healthcare workers (A1), senior citizens (A2), persons with comorbidities (A3) at essential workers (A4) pa lang ang pwedeng bakunahan sa ngayon.

Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Biyernes, paglabag sa Republic Act 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act) ang ganitong gawain. Pero sisilipin pa raw ng DOH kung may iba pang batas na nalalabag sa tuwing may ganitong nangyayari.

"['Y]ung kapag nagfa-falsify po tayo ng mga sakit natin, gaya niyan it's going to be on public record, meron po 'yang mga penalties na. Meron na po tayong vina-violate niyan in the existing laws in the country," ani Vergeire kanina.

"So ating pong binabalaan, at atin pong binibigyan ng advise ang ating mga kababayan. Don't go to that strategy. Hindi niyo po kailangang gawin 'yan. Mag-antay lang po tayo at darating ang mga bakuna para mabakunahan po tayo."

Sa ilalim ng RA 11332, pwedeng pagmultahin ng hanggang P50,000 at/o makulong ang isang tao ng hanggang anim na buwan kung mapatutunayang nagkasala.

Tuwing nagpapabakuna laban sa COVID-19 ang mga nasa A3 priority sector, kinakailangan munang sumailalim sa screening ang isang pasyente bago turukan. Kinakailangan ding magdala ng mga dokumento gaya ng reseta ng gamot, medical certificate sa nakaraang anim na buwan, laboratory exams, etc.

"So 'yan ay ine-evaluate ng ating screeners, at 'pag nakita nila na hindi siya authentic, and then we will just tell them na hindi niyo pa turn and you just need to turn back," patuloy ng DOH official.

"[L]ahat po tayo mababakunahan at that appropriate time. Inaantay lang ho natin 'yung pagdating ng mga bakuna... Hindi natin kailangang i-fake na meron tayong sakit, kasi darating din 'yung punto na babakunahan din po kayo. Unahin po muna natin 'yung mga vulnerable natin sa ngayon."

Sa huling datos ng gobyerno as of June 6, 2021, umabot na sa 5,965,651 doses na naituturok sa mga nasa Pilipinas. Gayunpaman, 1.54 milyon doses pa lang ang nakakakumpleto ng dalawang doses ng bakuna.

Umabot na sa halos 1.3 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa huling mga numero nitong Huwebes. Patay naman na sa 22,312 sa kanila ang namamatay na.

COVID-19 VACCINES DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with