_ngayon
^
Seniors na kumpleto bakuna vs COVID-19 makalalabas na sa GCQ, MGCQ areas
A centenarian, Juliana Dumo, 101, a resident of Barangay Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya, receives her first dose of Sinovac Covid-19 vaccine from Dr. Jerraliza Tannagan, chief of the town’s Municipal Health Office on June 8, 2021.
The STAR/Victor Martin

Seniors na kumpleto bakuna vs COVID-19 makalalabas na sa GCQ, MGCQ areas

(Philstar.com) - June 11, 2021 - 10:16am

MANILA, Philippines (Updated 11:28 a.m.) — Pahihintulutan na lumabas ng kani-kanilang bahay ang mga edad 65-anyos pataas na lumabas ng bahay sa gitna ng coronavirus disease pandemic, basta kumpleto na ang kanilang dalawang doses ng bakuna.

Huwebes kasi nang magpulong-pulong ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) patungkol sa isyu.

"Subject ito sa mga kondisyon tulad ng pagdadala ng duly issued vaccination card at pagsunod sa minimum heath protocols," sabi ni presidential spokesperson Harry Roque, Biyernes, ayon sa ulat ng GMA News.

Bago ginawa ni Roque ang anunsyo kanina, tanging edad 18-65 lang ang pwedeng lumabas-labas ng bahay kung walang essential travels, lalo na't mataas ang risk ng mga nakatatanda sa mga mas malalalalang komplikasyon at pagkamatay dahil sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum, sa ika-16 ng Hunyo pa ito tuluyang papayagan ng gobyerno alinsunod sa pag-uusap ng IATF.

Epektibo lang ang nasabing kautusan ng IATF sa mga lugar na may maluwag-luwag na general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).

"So ang bottom line lang po, pinapayagan po ng ating gobyerno na makalabas na ang ating senior citizens starting June 16 na fully vaccinated, 'Yun lang po may dalawang doses ng bakuna para dito sa COVID-19. Kayo po ay pinapayagan pero kailangan mag-iingat po kayo," dagdag ni Vergeire.

"So nananawagan din po kami sa ibang mga senior citizens na hindi pa po nababakunahan. Magpabakuna na po tayo para ma-enjoy niyo rin po 'yung incentive na pwede po kayong lumabas, makapag-ehersisyo sa labas, makipagkwentuhan sa mga kapwa senior citizens na fully-vaccinated na rin."

Face masks, face shields kahit fully-vaccinated

Kinakailangan pa rin naman daw na magsuot ng face masks, face shields at sumunod sa iba pang health and safety protocols ang mga nakatatanda dahil maaari pa ring tamaan at makapanghawa ng COVID-19 ang mga nabakunahan na, pero mas mababa na ang risks at hindi na basta-basta kinakailangang maospital pa.

'Wag pa rin daw pupunta ang mga seniors sa mga may matataong lugar at limitahan lang ang oras sa mga enclosed spaces: "Atin pong nililimitahan ang ating interaksyon kapag tayo ay nasa labas. Gawin lamang ang dapat nating gawin. Katulad ng kung kailangang mag-ehersisyo sa parke, napakaganda po niyan para sa ating mga senior citizens. Napakaligtas din dahil nasa open space po kayo, 'wag lang po kayo sasama doon sa maramihan na mga tao," dagdag ng DOH official.

Sa kabila nito, pinagbabawalan muna ang "interzonal travels" para sa mga fully vaccinated senior citizens, maliban na lang kung point-to-point intervonal travels.

Para sa mga international inbound travelers na kumpleto na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccines, dapat pa rin nilang dalhin ang kanilang vaccination cards bago ang kanilang pag-alis. Dapat din silang isyuhan ng sertipikasyon ng Department of Information and Communications Technology, city health officer o ng local government unit na nagbigay ng ikalawang turok.

Sa huling ulat ng Department of Health, umabot na sa 1,293,687 na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas kahapon. Patay naman na sa ngayon ang 22,312 katao dahil sa virus sa ngayon sa bansa.

COVID-19 VACCINES HARRY ROQUE NOVEL CORONAVIRUS SENIOR CITIZENS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with