_ngayon
^
MRT-3 may libreng sakay sa ika-123 anibersaryo ng 'Araw ng Kasarinlan'
Sumusunod ang mga MRT-3 passengers na ito sa reduced physical distancing protocol na ipinatutupad ng Department of Transportation, ika-14 ng Setyembre, 2020, sa Cubao station
The STAR/Michael Varcas, File

MRT-3 may libreng sakay sa ika-123 anibersaryo ng 'Araw ng Kasarinlan'

(Philstar.com) - June 10, 2021 - 5:34pm

MANILA, Philippines (Updated 6:26 p.m.) — Walang kinakailangang bayaran ang mga parokyano ng Manila Metro Rail Transit System Line 3 ngayong Sabado kasabay ng gugunitaing anibersaryo ng Independence Day.

Gayunpaman, limitadong oras lang makatitikim ng libreng pamasahe sa darating na ika-123 taon ng proklamasyon ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas.

"Libreng makakasakay ang mga pasaherong bibiyahe mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi," ayon sa pamunuan ng Department of Transportation-MRT-3, Huwebes.

Ayon kay Michael Capati, MRT-3 director for operations, titiyakin nilang hindi magkakaroon ng hawaan ng coronavirus disease sa mga tren lalo na kung biglang dagsain ang linya dulot ng libreng sakay.

Aniya, pareho pa rin ang health protocols na kanilang ipatutupad na siyang itinatakda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

"Meron pa din pong social distancing, limited capacity pa din po sa loob ng tren 30% po," wika ni Capati sa panayam ng Philstar.com kanina.

"Yung 7 commandments ay atin pa din po observe. Facemask faceshield no talking using of cellphone no eating. Meron pong social distancing sa labas ng tren, platform ng stations, sa pila sa loob n labas ng tren."

Maglalaan din ng train marshals sa loob ng tren ang DOTr-MRT3 para na rin masigurong walang susuway sa mga kautusan sa istasyon at mga pila.

LRT, PNR wala pang libreng sakay

Wala pa namang anunsyo ng Light Rail Transit Authority, Light Rail Manila Corporation at Philippine National Railways kung magpapatupad sila ng kani-kanilang libreng sakay sa parehong araw.

Karaniwang nagdedeklara ng libreng sakay tuwing Independence day ang mga naturang linya ng tren taun-taon.

Samantala, nakiisa naman ang pamunuan at mga empleyado ng MRT-3 sa inilunsad na 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw, bagay na pinangunahan ng National Disaster Risk Reduction Management Council at Office of the Civil Defense kanina 9 a.m. ng umaga.

"Ang aktibidad ay ginawa sa pamamagitan ng online streaming kung saan dumalo ang mga kawani at nakiisa sa pagsasagawa ng 'duck, cover, and hold,' ang inirerekomendang safety procedure tuwing may lindol," patuloy ng MRT-3 management.

"Regular na nakikibahagi ang MRT-3 sa mga gawaing pangseguridad at kaligtasan ng pamahalaan, upang mapaunlad ang kahandaan ng mga kawani nito habang mahigpit na tumatalima sa mga public health and safety protocols."

— James Relativo

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION INDEPENDENCE DAY MRT-3 NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with