_ngayon
^
Palasyo: 'NCR Plus' mukhang luluwagan lalo pagkatapos ng June 15
Individuals maintain social distancing and strictly observe health protocols as they queue for their second dose of Pfizer BioNtech COVID-19 vaccine at the Manila Prince Hotel in Manila on June 8, 2021.
The STAR/Miguel de Guzman

Palasyo: 'NCR Plus' mukhang luluwagan lalo pagkatapos ng June 15

(Philstar.com) - June 10, 2021 - 3:14pm

MANILA, Philippines — Posibleng paluwagin pa ang ipinatutupad na quarantine restrictions sa NCR Plus (Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan) sa kalagitnaan ng buwan, pagbabahagi ng Malacañang sa isang press briefing.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, Huwebes, gumaganda raw kasi ang mga datos ng naturang rehiyon pagdating sa COVID-19 infections nito, bagay na naaasikaso raw nang maayos ngayon.

Ito'y kahit hanggang ika-30 ng Hunyo pa dapat magtatagal ang general community quarantine "with restrictions" sa NCR Plus bubble.

"For Metro Manila, the numbers are looking good. The hospital care utilization remains very low. We are at [53%] in ICU beds at isa po 'yan sa talagang importanteng factor for escalation," ani Roque.

"So I would say in fact that based on the figures, Metro Manila Plus might be looking at a de-escalation. It might not be to [modified GCQ] but it could lead to ordinary GCQ, because ang GCQ po natin ngayon ay meron pang mga restrictions."

Sa kasalukuyang GCQ ng NCR Plus, may iba't iba pa ring paghihigpit na wala sa karaniwang GCQ, gaya na lang ng 10 p.m. to 4 a.m.

Nakatakda ring pag-usapan ngayong hapon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang iba pang pagluluwag ng COVID-19 health protocols, gaya na lang ng pagpayag sa muling pagbubukas ng gyms.

Ani Roque, ang mga dati nang mataba bago ang pandemya ay lalo pa kasing tumataba ngayong hindi pinapayagan ang operasyon ng mga nasabing establisyamento: "Iaanunsyo po natin kung anong magiging desisyon ng IATF," dagdag niya.

MECQ areas magiging ECQ?

Binabantayan din ngayon ng pamahalaan ang kalagayan ngayon ng mga nasa modified enchanced community quarantine (MECQ) kung iaangat ito sa ECQ o pananatilihin sa kasalukuyang lockdown.

Ika-5 ng Hunyo lang nang ilagay sa MECQ ang Davao City dahil sa biglaang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Mindanao. Maliban pa riyan, nasa 14 iba pang lugar ang isinailalim dito noong katapusan ng Mayo.

"Other areas po na nasa MECQ ay binabantayan po talaga natin 'yan and we are always data driven po. I do not want to speculate dahil hindi ko po nakikita ang mga datos doon sa mga other areas sa MECQ. Ang nakikita ko lang po ay 'yung nandito sa Metro Manila," wika pa ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa huling ulat ng Department of Health nitong Miyerkules, umabot na sa 1,286,217 ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong Pilipinas. Sa kasamaang palad, patay naman na ang 22,190 sa kanila. — James Relativo

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE HARRY ROQUE METRO MANILA NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with