^

Bansa

Nahawaan ng COVID-19 sa bansa pumalo na sa 1,276,004

Philstar.com
Nahawaan ng COVID-19 sa bansa pumalo na sa 1,276,004
Members of the Hijos del Nazareno and the Manila Police Department set up a new entrance along Carriedo Street for a more organized influx of devotees as they strictly enforce proper social distancing and other health protocols for devotees wanting to hear mass inside the Minor Basilica of the Black Nazarene in Quiapo, Manila during the first Friday mass of the month on June 4, 2021.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,539 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Biyernes, kung kaya nasa 1,276,004 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,276,004
  • Nagpapagaling pa: 58,854, o 4.6% ng total infections
  • Kagagaling lang: 6,969, dahilan para maging 1,195,181 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 71, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 21,969

Anong bago ngayong araw?

  • Nagsimula nang iturok ang COVID-19 vaccines sa mga "essential workers" ngayong araw, bagay na nagsimula sa symbolic vaccination sa SM Mall of Asia sa Lungsod ng Pasay.

  • Bukas naman ang DOH sa mga mungkahi na pagtuturok ng COVID-19 vaccine ng kumpanyang Sinovac sa mga edad 3-17, bagay na napag-uusapan matapos aprubahan ng Tsina ang emergency use nito sa mga menor de edad. Gayunpaman, aantayin daw muna nina Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagkakakumpleto ng trials at rebisyon ng kanilang EUA.

  • Plano nina vaccine czar Carlito Galvez Jr. na madagdagan pa ng 60 milyong doses ng COVID-19 vaccines ng Pilipinas para sumapat ang mga bakuna para sa mga bata. Pinag-aaralan na kasi ngayon ng DOH at Food and Drug Administration ang pagbibigay ng Pfizer at Sinovac vaccines kahit sa mga 3-17 taong gulang: "'Yung pediatric vaccination, may 39 million po tayo na population diyan. Ang implication niyan, we need to buy more vaccines. More or less 60 million [doses]," ani Galvez sa isang briefing.

  • Pumalo na sa 5,965,651 ang doses ng COVID-19 vaccines na naituturok sa mga Pilipino simula noong Marso, dahilan para sumampa na sa 1.54 milyon ang makakumpleto ng kanilang dalawang doses laban sa virus.

  • Umabot na sa 172.63 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 3.71 milyong katao.

— James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with