^

Bansa

Nahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas sumirit na sa 1.24 milyon, ayon sa DOH

Philstar.com
Nahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas sumirit na sa 1.24 milyon, ayon sa DOH
Young Marikina residents engage in outdoor activities at the city's River Park on Tuesday morning, June 1, 2021, as the government renews the general community quarantine status for the National Capital Region and four nearby provinces.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 5,257 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Miyerkules, kung kaya nasa 1,240,716 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,240,716
  • Nagpapagaling pa: 52,132, o 4.2% ng total infections
  • Kagagaling lang: 6,266, dahilan para maging 1,167,426 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 146, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 21,158

Anong bago ngayong araw?

  • Ipinaiiwas ng ilang eksperto ang publiko sa pagpapa-"antibody test" matapos magpabakuna laban sa COVID-19 para malaman kung nag-develop o hindi ng immunity laban sa kinatatakutang virus. Ito ang inihayag nina Dr. Michelle de Vera, na nangunguna sa pag-aaral ng gobyerno sa paghahalo ng vaccine brands at Dr. Regina Berba sa pagdinig ng House health committee kanina.

  • Hinahamon naman ni Sen. Risa Hontiveros ang gobyernong tuparin ang kanilang pangakong 90,000 COVID-19 tests araw-araw, lalo na't naglalabasan na ang virus hotspots sa labas ng Metro Manila. Aniya, nasa 42,866 pa lang daw kasi ang average daily testing para sa buwan ng Mayo, bagay na malayo sa target ng pamahalaan.

  • Humihiling ngayon ng hindi bababa sa 3 milyong AstraZeneca doses at iba pang vaccines ang gobyerno ng Pilipinas sa Amerika lalo na't hindi pa naman daw gagamitin ng US ang naunang dose, sabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., Miyerkules. "If we’re given three to five million doses, that would be good already," aniya. 

  • Aprubado naman na ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng CoronaVac laban sa COVID-19 para sa emergency use, ang ikalawang bakuna ng Tsina na nakakuha ng "go signal" mula sa WHO.

  • Umabot na sa 170.42 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng WHO. Sa bilang na 'yan, patay na ang mahigit 3.54 milyong katao.

— James Relativo 

vuukle comment

COVID-19 TALLY PHILIPPINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with