_ngayon
^

Bansa

DOH inaaral kung pwedeng 'di na mag-mask kumpleto sa bakuna vs COVID-19

James Relativo - Philstar.com
DOH inaaral kung pwedeng 'di na mag-mask kumpleto sa bakuna vs COVID-19
A safety seal sign is on display at business establishments in a mall in Mandaluyong City on May 27, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sinisiyasat na ngayon ng Department of Health (DOH) ang posibilidad ng hindi pag-oobliga ng pagsusuot ng face masks sa mga kumpleto na ang bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong dalawang linggo na itong ginagawa sa Estados Unidos sa indoor settings para sa naturukan na ng kumpletong COVID-19 doses.

"Ang ginagawa natin, tayo po ay nag-aaral na nitong sinasabing rekomendasyon na ito para makita natin if we can also apply this in specific bubbles. Pag-aaralan ho ito ng ating mga experto together with the IATF at magbibigay po tayo ng impormasyon," ani Vergeire sa isang briefing, Biyernes.

"Meron ho tayong mga kinukunsidera para tayo ay makapag-lift ng mga ganitong restrictions... Halimbawa po, magtatanggal tayo ng mga mask sa mga nabakunahan na sa NCR for example, kailangan natin tignan ano na nga ba ang estado ng mga kaso dito sa NCR. Ang healthcare utilization rate po ba ay nakakaluwag-luwag na tayo?"

Mahirap din daw na basta-basta ikumpara ang Pilipinas sa mga ibang gobyerno gaya ng USA. Hindi pa rin daw ito makunsidera sa bansa dahil magkaiba ang rate ng vaccination ng dalawang bansa sa ngayon.

Ika-13 ng Mayo, 2021 sa Amerika nang i-update ng US Centers for Disease Control and Prevention ang kanilang rekomendasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic, kahit na hindi pa nila naaabot ang herd immunity.

"Today, CDC is updating our guidance for fully vaccinated people," ani CDC director Rochelle Walensky.

"Anyone who is fully vaccinated, can participate in indoor and outdoor activities, large or small, without wearing a mask or physical distancing. If you are fully vaccinated, you can start doing the things that you had stopped doing because of the pandemic."

Gayunpaman, lahat daw ng nabakunahan at nakadama uli ng mga sintomas ng COVID-19 ay dapat daw uling mag-facemask at magpa-test.

'Face shield at face masks, epektibong proteksyon'

Sa kabila ng bagong pag-uusap patungkol sa pagiging "maskless," iginigiit pa rin ng DOH na malaki talaga ang naibibigay na proteksyon ng sabayang paggamit ng parehong face shields at face masks laban sa nakamamatay na virus.

Aniya, ito raw ang lumalabas sa isinagawang local study ng mga doktor noong 2020.

"Based dito sa mga pag-aaral na ito, pinag-aralan nila itong mga non-pharmaceutical interventions at kung paano ito nakakaprotekta sa mga tao laban sa COVID-19," dagdag ni Vergeire kanina.

"Dito po sa study na ito, ipinakita na if you wear a face mask and a face shield, you will be 93% protected... If you do face masks face mask plus one meter distance, you reduce the risk by as much as 94%."

Bukod pa riyan, ang face mask at paglayo ng dalawang metro sa ibang tao ay magreresulta sa 97% na proteksyon. Aabot naman aniya sa 99% na reduction sa COVID-19 infection ang pagsusuot ng face mask, face shield at pagsunod sa isang metrong distancing.

Sa huling ulat ng DOH kahapon, umabot na sa 1,200,430 ang tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 20,379 na ang patay. 

DEPARTMENT OF HEALTH FACE MASK NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with