^

Bansa

50% ng NCR, 6 high-risk areas unahin sa bakuna - OCTA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
50% ng NCR, 6 high-risk areas unahin sa bakuna - OCTA
Iniulat ng OCTA na ang 80% ng mga bagong COVID-19 cases na naitala sa bansa ngayong taon ay mula sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Central Visayas, at Western Visayas.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng OCTA Research Group sa pamahalaan na unahing mabakunahan ang 50 porsyento ng populasyon ng National Capital Region (NCR) at anim na ‘high-risk areas’ para mas maagang makamit ang ‘herd immunity’ ng bansa kontra COVID-19.

Bukod sa Metro Manila, kailangang maging prayoridad din umano ng gobyerno ang Tuguegarao, Santiago, Baguio, Cainta (Rizal), Cebu, at Imus (Cavite) dahil sa mataas na ‘attack rates’.

Tinatayang nasa 7.98 milyong indibiduwal ang kailangang mabakunahan sa mga lugar na ito na na­ngangailangan ng 15.96 milyong doses.

“In many countries that have vaccinated 50% of the population, there has been an immediate impact on herd containment of COVID-19. This is the immediate target in high-risk areas,” ayon sa OCTA.

Iniulat ng OCTA na ang 80% ng mga bagong COVID-19 cases na naitala sa bansa ngayong taon ay mula sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Central Visayas, at Western Visayas.

Muling ipinaliwanag naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pag-abot sa ‘herd immunity’ ay isang ‘long term goal’ at nakadepende talaga sa pagdating ng mas maraming suplay ng bakuna sa bansa.

NCR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user