_ngayon
^

Bansa

Bayanihan 3 aprub sa House panel

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagtibay na kahapon sa panel ng Kamara ang panukalang Bayanihan 3 na naglalaan ng P405.6 bilyong pondo bilang dagdag ayuda sa mga Pilipino at mga sektor na nasapol ng pandemya.

Dahil dito, nakatakda nang talakayin sa ple­naryo ang House Bill (HB) 8628 Bayanihan to Arise As One Act o  Bayanihan 3.

Kabilang sa probisyon ng Bayanihan 3 ay ang pagkakaloob ng P2,000 cash aid sa bawat Pinoy anuman ang estado sa buhay na ibibigay ng dalawang tranche o tig P1,000 kada tranche.

Bukod dito, magkakaloob din ang Bayanihan 3 ng wage subsidies, tulong sa mga nawalan ng hanapbuhay, housing relief, sektor ng agrikultura at pangisdaan, medical assistance at suporta sa edukasyon at kalusugan.

Inaasahang maipapasa ang Bayanihan 3 bago mag-sine die adjournment ang Kamara sa darating na Hunyo 4.

 

HOUSE BILL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with