_ngayon
^

Bansa

Pinas no. 3 sa SEA sa ‘vaccination rollout’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas no. 3 sa SEA sa âvaccination rolloutâ
Sa datos ng NTF, nakapagtala na ang Pilipinas ng 2,623,093 doses na naibigay sa publiko mula nang mag-umpisa ang ‘vaccination’ nitong Marso 1 gamit ang mga bakunang Sinovac, AstraZeneca at Sputnik V.
AFP/Christof Stache

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na kasalukuyang nasa ikatlong ranggo ang Pilipinas sa Southeast Asia (SEA) sa ‘vaccination rollout’.

Sa datos ng NTF, nakapagtala na ang Pilipinas ng 2,623,093 doses na naibigay sa publiko mula nang mag-umpisa ang ‘vaccination’ nitong Marso 1 gamit ang mga bakunang Sinovac, AstraZeneca at Sputnik V.

May ‘7-day average’ ang Pilipinas na 69,760 doses na naituturok sa ngayon habang nsa 35,933 doses ang daily average mula nang um-pisahan ng pamahalaan ang vaccination.

Nangunguna sa SEA ang Indonesia na nag-umpisa ng vaccination noong Enero 13 at mayroon nang kabuuang 22.6 milyong doses na naiturok habang panga­lawa ang Singapore na may 3.13 milyong doses nang naibigay mula nang mag-umpisa ang kanilang vaccination noong Disyembre 30, 2020.

Sa buong mundo, nakaupo ang Pilipinas sa rank 41 sa 195 bansa habang pang-15 rin ito sa 47 bansa sa Asya.

Ang ‘focus area’ ngayon ng NTF sa vaccination ay ang National Capital Region kasama ang mga katabing lalawigan ng Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas at Rizal na may alokasyon na 3.3 milyong doses kkada buwan.

Kasama rin sa ‘focus area’ ang Metro Cebu at Metro Davao na may alokasyon na 400,000 doses ng bakuna kada buwan.

SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with