_ngayon
^
COVID-19 sa Metro Manila nasa âmoderate riskâ na

COVID-19 sa Metro Manila nasa ‘moderate risk’ na

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Du­que III kahapon na naibaba na sa ‘mo-derate risk’ ang buong Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Duque na ito ay dahil sa naitalang 39% COVID-19 growth rate mula Mayo 2-15 buhat sa dating 46% growth rate.

Bumaba rin ang attack rate sa 13.44 cases per 100,000 population sa parehong petsa buhat sa dating 24.9 cases per 100,000 population.

“Ibig sabihin nito, bu­mabagal na ‘yong pagdag­dag o paglaki ng kaso,” paliwanag ni Duque.

Sa kabila naman ng pagbababa sa ‘general community quarantine with heighted restrictions’ ng Metro Manila, lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Ri­zal, hinikayat pa rin ni Duque ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng ‘localized o granular lockdowns’ kung kinakailangan para maampat ang pagtaas ng mga kaso sa tukoy na mga lugar.

Bumaba na rin ang ‘healthcare utilization rate’ sa bansa sa 46% nitong Mayo 16 mula sa 54% noong Abril habang sa Metro Manila, bumag-sak ito sa 45% mula sa 68% noong nakaraang buwan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with