_ngayon
^
Duterte nagbabala ng mas mahigpit na lockdown sa mga pasaway
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang pag-asa ng bansa ay ang pagsunod ng mga mamamayan at nagkaroon ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 dahil sa pagsunod sa mga protocols.
Edd Gumban, file

Duterte nagbabala ng mas mahigpit na lockdown sa mga pasaway

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatupad nang mas mahigpit na lockdown kung hindi susunod ang mga mamamayan sa mga ipinatutupad na health protocols sa gitna ng mga bagong variants ng COVID-19 na nakapasok sa bansa.

Ayon kay Duterte, ang pag-asa ng bansa ay ang pagsunod ng mga mamamayan at nagkaroon ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 dahil sa pagsunod sa mga protocols.

Kung hindi aniya susunod sa protocols ay tiyak na tataas na naman ang kaso ng COVID-19 at magpapatupad ng mas mahigpit na lockdown habang pinag-aaralan ang bagong variants.

“Kasi pag hindi, then mapipilitan again ako na to impose lockdowns and everything at mas strikto ang gobyerno...‘Pag di sumusunod, may resurgence na naman tapos new variants. Mapipilitan talaga ako mag impose ng lockdown maybe stricter this time because di natin alam anong variants yan, pag-aralan muna yan,” ani Duterte.

Binanggit din ni Duterte na lalong umiinit ang pandemic dahil sa mga bagong variants.

Dapat din aniyang paghandaan pa ang mas malubhang scenario na ginagawa na ngayon ng gobyerno.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with