_ngayon
^
âWag maging choosy sa bakuna â Duterte
Ayon sa Pangulong Rodrigo Duterte, lahat ng bakuna ay mabisa at ayaw niyang magkaroon ng istorya na may mga pinapaboran pagdating sa brand ng bakuna.
AFP/John Cairns/University of Oxford

‘Wag maging choosy sa bakuna – Duterte

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang mga mamamayan na huwag mamili kung anong bakuna laban sa COVID-19 ang ituturok sa kanila.

Ayon sa Pangulo, lahat ng bakuna ay mabisa at ayaw niyang magkaroon ng istorya na may mga pinapaboran pagdating sa brand ng bakuna.

“They are all potent. They are all effective. So wala --- there’s no reason for you really to be choosy about it. The only reason is ayaw kong magkaroon ng --- magkaroon ng ano ‘yong istorya na may pinapaboran kami na itong ito. Wala,” ani Duterte.

Kahit sinong mahirap o mayaman ay maaari aniyang magtungo sa mga vaccination sites upang magpabakuna kung ano ang available.

Ayaw niyang may namimili ng tatak ng bakuna dahil pare-pareho naman ang lahat.

Hindi aniya magandang pakinggan na may mga namimili pa at maghihintay ng bakuna at mas gusto ang Moderna o Pfizer.

Sinabi rin ng Pangulo sa mga ayaw magpaba­kuna na huwag nang lu­ma­bas ng bahay dahil mayroon ng mga bagong variants ang COVID-19 at malaki ang tyansa na mamatay ang mga walang proteksiyon.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with