_ngayon
^
30% lang ng Pinoys ang gustong magpabakuna
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na isang malaking hamon sa kanila ang mababang porsiyento ng mga gustong magpabakuna.
The STAR/Michael Varcas

30% lang ng Pinoys ang gustong magpabakuna

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 30 porsiyento lang ng populasyon ang gustong magpabakuna laban sa COVID-19 kaya balak ng gobyerno na gawing kondisyon sa mga benepisyaryo ng 4Ps ang pagpapabakuna.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na isang malaking hamon sa kanila ang mababang porsiyento ng mga gustong magpabakuna.

“Iyong mga pag-aaral po nagpapakita na mayroon pong tinatawag na vaccine hesitancy na 30 percent lang daw po ang gustong magpabakuna...siguro po puwede nating pag-aralan kung isama na rin natin doon sa kundisyon para sa 4Ps ay ‘yong pagbabakuna,” ani Roque.

Sa dami anya ng mga benepisyaryo ng 4Ps na puro mahihirap, marami ang mababakunahan.

Balak na rin isama ang pagbabakuna kapag nagkaroon ng Bayanihan 3.

“Kung mayroon tayong future ayuda dahil hindi po natin alam kung magkakaroon rin nga tayo ng Bayanihan 3, eh siguro ‘yong mga makakatanggap din ng ayuda ikakabit na natin doon sa pagbabakuna ‘no na masigurado po na mas marami sa ating mga kababayan,” ani Roque.

Nilinaw naman ni Roque na hindi ito sapilitan at ibibigay lang sa mga gustong tumanggap ng ayuda.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with