_ngayon
^

Pagbebenta ng COVID-19 vaccine sa publiko hindi pa pinapayagan – Palasyo

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa pinapaya- gan sa Pilipinas ang pagbebenta ng bakuna laban sa COVID-19 kaya ipinamimigay ito ng libre, ayon sa Malacañang.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang mga bakuna na binili ng gobyerno ay ipamimigay sa mga natukoy ng benepisyaryo samantalang ang mga nakuha ng pribadong sektor ay ipamimigay sa kanilang mga empleyado.

Ang bakuna na dumarating sa bansa ay nabig­yan lang ng emergency use authorization (EUA) at hindi pa maaaring ipagbili.

Sinabi ni Roque na walang COVID-19 vaccine ang dapat ibenta dahil wala pa itong general use authority.

“‘Yung mga inaangkat siyempre ng pribadong sektor ay para sa kanilang gamit pero wala dapat magbenta kasi wala nga pong general use autho-rity pa ang kahit anong bakuna,” ani Roque.

Ginawa ni Roque ang pahayag matapos sabihin ni Philippine Red Cross chairman Sen. Richard Gordon na ang mga taong nais nang magpabakuna ngunit hindi makahintay ng libreng bakuna mula sa pamahalaan ay maaaring mabigyan ng Moderna vaccine sa halagang P3,500 sa 2 dose.

Agad naman itong itinanggi ni PRC Governor Ma. Carissa Coscolluela  na nilinaw na hindi nila ipinagbibili ang bakuna at wala silang sinisingil sa kahit na anong bagay na nakukuha nila ng libre.— Mer Layson

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with