_ngayon
^
64 colleges, universities pinayagan ng CHED sa face-to-face classes
Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, ilan sa programang posibleng maaari na ring payagang magdaos ng physical classes ay ang mga degree programs na maraming hands-on activities na hindi kayang gawin virtually, gaya ng engineering, information technology, industrial technology at maritime.
AFP/Ted Aljibe

64 colleges, universities pinayagan ng CHED sa face-to-face classes

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinayagan ng Commission on Higher Education (CHED) ang 64 higher education institutions (HEIs) na makapagdaos ng limitadong physical classes para sa kanilang medical at allied health programs.

Hindi naman na inisa-isa ni CHED Chairman Prospero de Vera ang mga naturang mga kolehiyo at mga unibersidad.

Gayunman, sinabi ni De Vera na kung makikita nilang magiging ligtas ang mga medical students mula sa virus, sa pagdaraos nila ng physical classes, ay maaari pang palawakin ang in-person instruction sa iba pang programa.

Ayon kay De Vera, ilan sa programang posibleng maaari na ring payagang magdaos ng physical classes ay ang mga degree programs na maraming hands-on activities na hindi kayang gawin virtually, gaya ng engineering, information technology, industrial technology at maritime.

Noong Marso, sinabi ni de Vera na ilang pi-ling allied health-related degree programs, gaya ng Medicine, Nursing, Medical Technology/Me-dical Laboratory Science, Physical Therapy, Midwifery, at Public Health, ang prayoridad sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes.

Samantala, sinabi rin ng CHED chairman, na nakatakdang makipagpulong ang mga opisyal ng CHED sa Inter-Agency Task Force (IATF) nga-yong linggong ito upang talakayin ang posibilidad nang pagbabakuna sa mga estudyante laban sa COVID-19 upang ma-kabalik na sila sa eskuwela. 

CHED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with