_ngayon
^
Nakakumpleto ng 2nd dose ng bakuna 714K pa lang
Sabay na nagpabakuna kahapon ng AstraZeneca vaccine ang mag-asawang sina Teofilo Lopez Sr., 101-anyos at Catalina Lopez, 95, ng Navotas City.
Navotas PIO

Nakakumpleto ng 2nd dose ng bakuna 714K pa lang

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala pang isang milyon ang mga mamamayan na kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.

Sa datos na inilabas ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa 714,442 pa lang ang mga nabigyan na ng una at ikalawang dose ng bakuna.

Sa nasabing bilang, 414,467 ang mga A1 health workers; 82,999 ang senior citizens; 216,775 may ibang sakit o comorbidities; at 193 ang mga economic frontliners.

Pero sa kabuuan aniya ay halos tatlong milyon o 2,959,829 doses na ang naibigay na bakuna bagaman at wala pang isang milyon ang nakakakumpleto ng ikalawang dose.

Sinabi rin ni Roque na kapag dumating na ang maraming bakuna ay ilalaan ang 42% sa National Capital Region Plus kasama na ang Metro Cebu at Metro Davao samantalang ang mahigit sa 60% ay mapupunta sa nalalabing bahagi ng Pilipinas.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with