_ngayon
^
ECQ ayuda, 91% naipamahagi na sa NCR Plus
Ayon sa DILG, nasa 37 LGUs ang nakaabot ng 100% completion rate sa pagsapit ng May 15 deadline sa cash aid distribution.
Boy Santos/File

ECQ ayuda, 91% naipamahagi na sa NCR Plus

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natapos nang ipamahagi ng mga local government units (LGUs) ang 91% o P21.06-bilyong ayuda na ipinagkaloob ng national government para sa mga residenteng naapek­tuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipinairal sa National Capital Region (NCR) Plus areas noong Marso 29 hanggang Abril 11.

Ayon sa DILG, nasa 37 LGUs ang nakaabot ng 100% completion rate sa pagsapit ng May 15 deadline sa cash aid distribution.

Ikinatuwa naman ni DILG Secretary Eduardo M. Año na nagawa ng mga LGUs na maayos na maipamahagi ang mga ayuda sa mga kuwalipikadong beneficiaries sa kanilang lugar.

Aniya, karamihan sa mga LGUs ay nakapagtala ng mahigit 90% completion rate hanggang Mayo 15.

Dagdag pa ng kalihim, ang 91% na distribution rate ay patunay sa commitment ng mga LGUs na magpaabot ng tulong sa kanilang mga cons­tituents.

Ang natitira pang 9% ay kumakatawan sa ‘unclaimed ayuda’ o yaong hindi nakuha ng mga residente na hindi na matunton ng mga lokal na opisyal dahil maaaring lumipat na ng tirahan ang mga ito.

Binigyan ng DILG ang mga LGUs ng awtoridad na maghanda ng bagong payroll upang maipamahagi sa loob ng panibagong 10-araw ang mga unclaimed funds sa mga iba pang indibidwal na apektado rin ng pandemya sa kanilang lugar ngunit hindi nakasama sa unang listahan ng beneficiaries.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with