_ngayon
^

PRC, magbebenta ng Moderna vaccines

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

P3,500 sa 2 dose

MANILA, Philippines — Plano ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman at Senador Richard Gordon na ibenta sa publiko ang inorder nilang mga bakuna buhat sa pharmaceutical company na Moderna para mapabilis ang ‘vaccination’ ng mga Pilipino.

Sinabi ni Gordon na tinatayang nasa 200,000 doses ng Moderna na inor­der nila mula sa Estados Unidos ang nakatakdang dumating sa susunod na buwan. Plano niyang ibenta ito sa halagang P3,500 para sa dalawang doses.

“If we are going to wait for the [government’s] vaccines to come, mahuhuli,” katwiran ni Gordon.

Sinabi ni Gordon na sa paghihigpit rin ngayon ng India sa pagpapalabas ng kanilang bakuna, mas magiging mahirap ngayon ang suplay nito.

“Those of you who cannot wait, you pay P3,500 and that’s 2 doses already,” ayon pa kay Gordon.

Puwede anyang magtungo sa Red Cross ang sinumang hindi makakahintay ng bakuna na inaalok ng gobyerno.

Nagpahayag naman si Gordon ng pagkontra sa ‘mass vaccination’ sa mga malalaking ‘vaccination centers’ na itatayo ng pamahalaan. 

Ikinatwiran niya na maaaring magkahawa-hawa ang mga taong pipi­la para magpabakuna. Mas nararapat umano na magtayo ng mas mara­ming vaccination centers na mahigpit na pinamamahalaan at kontrolado ng mga health workers. — Gemma Garcia, Mer Layson

COVID-19 VACCINES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with