_ngayon
^

Pagbubukas ng tourist, leisure spots babantayan pa rin ng PNP

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ni PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar na bantay-sarado pa rin nila ang mga tourist destination at leisure spots bagama’t isinailalim na sa general community quarantine ang NCR Plus.

Ayon kay Eleazar, pinaalalahanan niya ang kanyang mga tauhan na imonitor ang operasyon ng mga tou­rist site at leisure spots sa Metro Manila at lalawigan kabilang ang Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan. Tutukan ng mga pulis ang mga paglabag sa minimum public health safety protocols at koordinasyon sa mga local government units.

Isinailalim ang NCR Plus sa GCQ with heightened restrictions hanggang Mayo 31.

Sinabi ni Eleazar na marami ang nagtungo sa ilang mga tourist attraction na 30% capacity lamang ang  pinapayagan.

Aniya, naiintindihan nila ang pananabik ng mga Filipino na makapamasyal subalit kailangan pa rin ang pag-iingat dahil nananatili ang banta ng COVID-19.

Napaghandaan at mahigpit din nilang babantayan ang business establishments at leisure areas dahil inaasahan na rin nila ang pagdami ng mga taong magsisilabasan dahil sa adjustments sa allowed capacity rates.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with