_ngayon
^
Governors, mayors 'mas prayoridad' na kaysa mga senior sa COVID-19 vaccine
A health worker shows syringes filled with Pfizer vaccine as they administer the first dose to those belonging to A1 (medical frontliners), A2 (senior citizens) and A3 (persons with comorbidity) categories during their continuation of vaccination program for San Juaneños at FilOil Flying V Centre (San Juan Arena) on May 12, 2021.
The STAR/Michael Varcas

Governors, mayors 'mas prayoridad' na kaysa mga senior sa COVID-19 vaccine

James Relativo (Philstar.com) - May 17, 2021 - 2:25pm

MANILA, Philippines — Inilagay sa mas mataas na priority listing para sa bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang ilang pulitiko kaysa sa mga senior citizen, ayon sa bagong desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Dahil sa IATF Resolution 115-B, ilalagay sa A1.5 priority ang mga gobernador at alkalde. Kasunod sila ng healthcare workers pero mas pahahalagahan sa senior citizens. Ito'y kahit malaki ang tiyansang mamatay sa COVID-19 ng mga edad 60-anyos pataas.

"Napagkasunduan ng IATF na ang mga gobernador at ang mga mayor ay mapapabilang na rin po sa priority A1.5... Sa mga mayors at governors, magpabakuna na rin po tayo," wika ni presidential spokesperson Harry Roque, Lunes.

"Kasi po ang mga mayor at gobernador ang nagpapatupad po ng prevention, detection, isolation, treatment and rehabilitation na cornerstone of cour COVID program."

Aniya, ang mga nasabing opisyales ng mga lokal na pamahalaan daw kasi ang direktang nagpapatupad ng localized lockdowns, pagpapabakuna atbp. mga aktibidad laban sa pandemya.

Inilabas ang panibagong panuntunan ilang buwan matapos ang kontrobersiya ng "VIP vaccination" sa ilang pulitiko, kahit na hindi pa sila kasama noon sa priority list. Palusot ng ilang nauna sa turukan, nabigyan sila agad ng gamot bilang "substitute" sa mga dapat mabakunahan noong araw ng immunization.

"They may not be doctors, but they are equally frontliners dahil ang lahat po ng mga estratehiya natin, ang humaharap po ang mga lokal na opisyales: si mayor at si governor," patuloy ni Roque.

Walk in sa bakunahan, sinyales ng vaccine confidence?

Ayon naman kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posibleng tignan bilang pagtaas sa tiwala sa bakuna ang mga pumipila sa vaccination sites kahit na hindi pa oras ng kanilang kinabibilangang sektor.

"That can be part of our assumptions, that vaccine confidence is increasing. Pero kailangan pa rin po nating maintindihan para sa ating mga kababayan na kapag hindi pa po kayo parte noong ating priority sectors na binabakunahan ngayon, aantayin lang po natin," wika ni Vergeire sa isang media forum kanina.

"Magkakaroon din po tayo, at malapit na po iyan, itong simultaneous vaccinations to expand to A4 to A5. Kailangan lang po tayo mag-antay, unahin muna natin 'yung mga vulnerables natin bago po tayo pumunta doon sa ating facilities."

Ang problema raw kasi, sa tuwing dumadagsa ang mga hindi pa naman mababakunahan, nae-expose lang daw ang mga nabanggit sa mas maraming tao na maaari pang pagmulan ng hawaan ng COVID-19.

Umabot na sa 2,959,829 ang naituturok na doses ng COVID-19 vaccines ayon sa datos ng National Task Force laban sa pandemya nitong ika-15 ng Mayo, 2021.

Tanging 714,432 na katao pa lang ang nakatatanggap ng kumpletong dalawang doses ng gamot.

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH), umabot na sa 1.14 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Patay na ang nasa 19,191 sa bilang na 'yan, ulat ng kagawaran noong Linggo.

Related video:

COVID-19 VACCINES GOVERNOR HARRY ROQUE IATF MAYOR NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with