_ngayon
^
Teachers may 3 months internet load â DepEd
Ayon kay DepEd Undersecretary Alain Pascua, sa ngayon ay bumibili na ang ahensiya ng connectivity load na magkakaloob ng 30 hanggang 35 gigabytes (GB) na halaga ng data kada buwan sa mga public school teachers.
The STAR/Michael Varcas

Teachers may 3 months internet load – DepEd

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pagkakalooban ng Department of Education (DepEd) ang mga public school teachers sa bansa ng tatlong buwang halaga ng internet load ngayong nagpapatuloy pa rin ang distance learning sa bansa dahil sa pandemya ng COVID-19.

Ayon kay DepEd Undersecretary Alain Pascua, sa ngayon ay bumibili na ang ahensiya ng connectivity load na magkakaloob ng 30 hanggang 35 gigabytes (GB) na halaga ng data kada buwan sa mga public school teachers.

Aniya, sisimulan ng DepEd ang pagpapamahagi ng naturang internet load sa mga guro sa Hunyo.

Ani Pascua, ang mga hindi nagamit na data allocation ay iro-rollover sa mga susunod na buwan sa loob ng isang taon hanggang sa tuluyan nilang makonsumo ang buong 100GB na data.

Sinabi pa ni Pascua na inaasahan nilang napakarami nang magagawa ng mga guro sa naturang bandwidth na ipagkakaloob sa kanila.

“Ine-expect namin na higit tatlong buwan hanggang anim na buwan magagamit ng teacher itong connecti­vity load,” aniya pa.

Samantala, ayon naman kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, naglaan ang ahensiya ng P1.2 bilyong pondo para sa naturang programa.

Aniya pa, ang naturang data load ang kapalit sa dating plano ng DepEd na magbigay ng P450 load allowance sa mga guro.

Batay sa datos ng DepEd, mayroong mahigit sa 800,000 guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

DEPED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with