_ngayon
^

LGUs inalerto sa India variant

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inalerto ni Infectious Disease expert Dr. Rontgene Solante ang mga lokal na pamahalaan upang paigtingin pa ang pagbabantay at mas mataas na ‘contact tracing’ makaraang umakyat na sa 12 ang kaso ng Indian variant ng COVID-19 sa bansa.

“The only way to prevent further transmission in the community, especially to know where it is coming from, is to control and be monitored by the local government unit concerned,” ayon kay Solante, head ng San Lazaro Hospital-Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine department.

Pinaalalahanan din ni Solante ang pamahalaan na kailangan na masusing i-monitor ang lagay ng kalusugan ng mga indibidwal na dinapuan ng India variant dahil maaaring lumubha ang kanilang kundisyon anumang oras.

Sinabi ni Solante na nakakabahala ang kundisyon ng mga dinapuan ng India variant dahil sa taglay nitong mutasyon na nakaiwas sa natural na ‘immune system’ ng isang tao. Patunay nito ang nangyayari sa India na napakarami na ang nasawi.

“We should monitor because there are reports already that it can also cause severe disease. So this means it is possible that their condition could be severe and I hope it won’t. I hope it only gets mild,” ayon kay Solante.

Dalawang OFWs ang unang nadiskubreng positibo sa Indian variant na sinundan nitong Sabado ng 10 pang OFWs.

Sa datos ng Department of Health, siyam sa bagong kaso ng B.1.617 variant (Indian) ay pawang Filipino seaman na sakay ng MV Athens Bridge na kamakailan ay nagpa­saklolo na makapasok sa bansa.

Ang isa pang bagong kaso ay isang seaman rin na mula naman sa Belgium na lumapag sa Uni­ted Arab Emirates (UAE) at muling bumiyahe patungo ng Pilipinas.

“If this variant is now present in the Philippines, hopefully it will not be causing more cases or community transmission. It’s very difficult to have another surge. It can strain the function of most healthcare facilities,” paliwanag niya.

Hindi rin umano dapat magpakampante ang publiko kahit bumababa na ang mga kaso ng COVID-19 dahil sa banta ng mga bagong variants.  Kung hindi mapipigilan ang pagkalat ng India variant, posibleng mas maraming mga pasyente ang dumanas ng severe  COVID-19.

“Especially in India, there are reports that those who had the variant and comparing it to the old variant, they developed more severe cases, especially the younger population,” ani Solante.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with