_ngayon
^
COVID-19 pandemic mas magiging âdeadlyâ - WHO
Ginawa ni WHO Chief, Tedros Adhanom Ghebreyesus ang babala na nagsabi pang mas nakakamatay ang COVID-19 pandemic kumpara noong 2020.
AFP/Fabrice Coffrini

COVID-19 pandemic mas magiging ‘deadly’ - WHO

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na mas magiging ‘deadly’ ang COVID-19 pandemic ngayong taon.

Ginawa ni WHO Chief, Tedros Adhanom Ghebreyesus ang babala na nagsabi pang mas nakakamatay ang COVID-19 pandemic kumpara noong 2020.

“We’re on track for the second year of this pandemic to be far more deadly than the first,” anang hepe ng WHO sa isang press conference.

Lumabas ang babala sa gitna nang pagpapalawig ng Japan ng state of emergency habang dumarami ang nanawagan na huwag nang ituloy ang Olympics.

“In January, I spoke about the potential unfolding of a moral catastrophe. Unfortunately, we’re now witnessing this play out. In a handful of rich countries, which bought up the majority of the supply, lower-risk groups are now being vaccinated,” ani Tedros.

Nauna rito, sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na kailangang mabakunahan ang lahat ng mga mamamayan upang tuluyang mapigil ang COVID-19.

Inihalimbawa pa ni Galvez ang Israel na nagsabing hindi tuluyang masusugpo ang virus kung marami ang hindi magpapabakuna.

“At sinasabi po ng Israel, ‘yong kanilang mga expert po doon, na hindi talaga natin fully mai-eli­minate ang ano ang disease kung may sizeable amount of population na hindi pa po nababakunahan. So ibig sabihin po talaga dapat talaga mabakunahan po natin lahat ng ating mamamayan para ma-eliminate po natin ‘yong disease,” ani Galvez.

WHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with