_ngayon
^
3 close contacts ng OFW na may Indian variant positibo sa COVID-19
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong verified na 32 close contact ang 58-anyos na lalaking OFW na umuwi ng bansa mula United Arab Emirates.
AFP/Ted Aljibe

3 close contacts ng OFW na may Indian variant positibo sa COVID-19

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nag-positibo sa COVID-19 ang tatlong close contacts ng isang overseas Filipino worker na nag-positibo sa COVID-19 India variant.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong verified na 32 close contact ang 58-anyos na lalaking OFW na umuwi ng bansa mula United Arab Emirates.

Tatlo aniya sa naging close contact nito ang nag-positibo sa COVID-19.

Ayon kay Vergeire, hinahanap pa ng DOH ang dalawang close contacts na nag-positibo rin sa COVID-19.

Nag-negatibo naman aniya ang 28 sa 32 na naka-close contacs ng OFW.

Samantala, anim ang naging close contacts ng isa pang OFW na mula sa Oman na nag-positibo sa India variant.

Tatlo aniya ang nag-negatibo habang sinusuri pa ng DOH ang sample ng tatlo.

Matatandaang dalawang OFW ang umuwi sa bansa at nag-positibo sa COVID-19 India variant.

Kapwa magaling naman na ang mga naturang OFWs at ngayon ay nasa Soccsksargen at Bicol na.

Tiniyak naman ng DOH na ang mga naturang seafarers ay wala nang na­ging ibang close contacts maliban sa mga kapwa nila pasahero sa eroplano, dahil kaagad naman silang nai-quarantine pagdating sa bansa.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with