_ngayon
^
âVital signs screeningâ bago bakuna inalis ng DOH
“‘Di puwedeng lahat ng tao kailangan kukuhanan mo ng blood presssure kasi hindi na tayo matatapos sa bakunahan,” paliwanag ni Duque.
Francisco T. Duque III via Facebook

‘Vital signs screening’ bago bakuna inalis ng DOH

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi makokompromiso ang kaligtasan ng publiko sa naging pasiya ng Department of Health na alisin na ang ‘vital signs screening ‘ bago ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine upang mas mabilis ang proseso.

“‘Di puwedeng lahat ng tao kailangan kukuhanan mo ng blood presssure kasi hindi na tayo matatapos sa bakunahan,” paliwanag ni Duque.

Gayunman, sa mga “high-risk group” o mayroong medical conditions ay kailangan pa ring sumailalim sa vital signs screening para masukat ang kanilang blood pressure.

Dagdag pa niya, tanging ang Pilipinas lamang ang nagsasagawa ng vital signs checking bago ang proseso ng pagtuturok ng COVID-19 vaccine.

Nitong Biyernes nang ianunsyo ng DOH na ang vital signs screening ay hindi na magiging bahagi ng COVID-19 vaccination process.

Ang pagbabago sa vaccination guidelines ay inirekomenda ng Philippine Society of Hypertension at the Philippine Heart Association, na inaprubahan naman ng DOH advisors at mga eksperto sa pagbabakuna.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with