^

Bansa

Bakuna ‘wag iimbak kasama ng pagkain

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Department of Health sa mga lokal na pamahalaan na huwag isama sa pagkain ang COVID-19 vaccines.

Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na hindi bahagi ng protocol ng bansa sa tamang hand­ling ng mga bakuna ang paglalagay sa cold storage kasama ng mga pagkain.

Ito’y kasunod ng ilang ulat na may ilang local go­vernment units ang kumontrata ng mga food chain suppliers para sa pag-iimbak at pagbibiyahe ng kanilang mga bakuna.

“Sinabi na po natin na the vaccines should have a separate storage, it should not be mixed with food kung mayroon man tayo,” ayon pa kay Vergeire.

“Makikita natin baka ‘yung ibang local governments, dahil mayroon tayong 2 to 8 degrees lang na mga bakuna, baka naisasama sa mga pagkain sa refrigerator at hindi po ito tama,” aniya pa.

Noong Enero, sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga LGU at mga pribadong kumpanya na obserbahan ang vaccine cold storage standards na itinatakda ng national government at huwag lang basta magsagawa ng sarili nilang refrigeration measures upang hindi masayang ang mga bakuna.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with