_ngayon
^
Sinehan, bar bawal pa sa âHeightened GCQâ
“Maraming hindi pina­yagan d’yan katulad ng mga entertainment ve­nues gaya ng bars, concert halls, cinemas, theater, bawal ‘yan. Mga recreational venues, arcades, net cafes, billiards, bawal din ‘yan. Sa amusement, parks, fairs, playgrounds, kiddie rides, bawal din. Casino, horse racing, cockfighting, bawal din,” paglilinaw ni Interior Secretary Eduardo Año.
Philstar.com/File

Sinehan, bar bawal pa sa ‘Heightened GCQ’

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bawal pa ring mag-operate ang mga leisure establishments tulad ng sinehan at bar sa mga lugar ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna na isinailalim na sa heightened general community quarantine simula ngayon, May 15.

“Maraming hindi pina­yagan d’yan katulad ng mga entertainment ve­nues gaya ng bars, concert halls, cinemas, theater, bawal ‘yan. Mga recreational venues, arcades, net cafes, billiards, bawal din ‘yan. Sa amusement, parks, fairs, playgrounds, kiddie rides, bawal din. Casino, horse racing, cockfighting, bawal din,” paglilinaw ni Interior Secretary Eduardo Año.

Ilan pa sa mga aktibidad na hindi pinapayagan sa ilalim ng bagong quarantine classification ang mga outdoor contact sports, games, scrimmages, indoor sports, courts at ve­nues para sa  indoor tou­rism, in-person meetings, conferences at exhibitions.

Pero ang mga personal care services at outdoor tourist attractions ay maaaring mag-operate ng may 30 percent capacity.

“Kung magpapagupit ka, walang tanggalan ng mask,” dagdag ng Kalihim.

Ang indoor dining sa NCR Plus  ay pinapayagan ng may 20 percent venue o seating capacity habang ang outdoor o al fresco dining ay 50 percent.

Ang binyagan, kasal at libing at ibang religious services ay limitado sa 10 percent ng venue capacity.

“Ang binabantayan natin dito maiwasan ‘yung mass gathering. Maitawid natin ito hanggang dumating ang mga bakuna natin June, July, August. Maraming darating na bakuna pero bago dumating, ‘yan may period pa so kailangang itawid natin so kailangang strict implementation nitong GCQ with heightened restrictions,” sabi pa ni Año.

Samantala, ang mga authorized persons outside residence (APOR) at essential travel ang pinapayagan lamang na lumabas sa NCR Plus.

 

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with