_ngayon
^
Duterte âdi paaatrasin ang 2 barko kahit patayin ng China
Ginawa ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag matapos ipaalam ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa meeting kamakalawa na may dalawang barko ang Pilipinas na nag-iikot sa Kalayaan Islands at Mischief Reef.
CSIS/AMTI via DigitalGlobe

Duterte ‘di paaatrasin ang 2 barko kahit patayin ng China

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi paaatrasin ni Pangulong Rodrigo Du­terte ang dalawang barko ng Pilipinas na paikut-ikot sa West Philippine Sea kahit pa patayin siya ng China.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ipaalam ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa meeting kamakalawa na may dalawang barko ang Pilipinas na nag-iikot sa Kalayaan Islands at Mischief Reef.

Ayon pa sa Pangulo, inirerespeto niya ang China pero dapat ding respetuhin ang posisyon ng Pilipinas.

“I’d like to put notice sa China. May dalawang barko ako diyan Philippine government...Kaya ako sabihin ko sa China ngayon, as I’ve said before to repeat: I am not ready to withdraw. I do not want a quarrel, I do not want trouble, I respect your position and you respect mine. But we will not go to war at saka hindi naman…,” ani Duterte.

Sinabi rin Duterte na kung papatayin siya ay saka magtatapos ang pakikipagkaibigan niya sa China.

“It’s not wrong to admit na inferior ka in terms of might and power. Hindi naman masama magprangka ka, ito lang talaga ang kakayanan ko. Pero huwag mo naman akong kayahin. Ngayon, hindi talaga ako aatras. Patayin mo man ako kung patayin mo ako, dito ako. Dito magtatapos ang ating pagkakaibigan,” dagdag ni Duterte.

 

RODRIGO DU­TERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with