_ngayon
^
Higit 200K trabaho maibabalik na sa GCQ
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na sa pagbubukas ng ekonomiya ay magbabalik na rin ang mula 200,000 hanggang 300,000 trabaho na napilitang tanggalin ng mga negosyo dahil sa mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ). Malaking ginhawa rin umano ang dulot nito sa mga nawalan noon ng trabaho na maaari nang maghanapbuhay para sa kanilang pamilya.
AFP/Ted Aljibe

Higit 200K trabaho maibabalik na sa GCQ

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit 200,000 trabaho na ang makababalik makaraang ibaba na sa ‘general community quarantine’ ang restriksyon sa NCR, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na sa pagbubukas ng ekonomiya ay magbabalik na rin ang mula 200,000 hanggang 300,000 trabaho na napilitang tanggalin ng mga negosyo dahil sa mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ). Malaking ginhawa rin umano ang dulot nito sa mga nawalan noon ng trabaho na maaari nang maghanapbuhay para sa kanilang pamilya.

Sa datos ng DTI, nasa 1.5 milyong trabaho ang nawala ng magpatupad ng ECQ noong Marso at bumaba sa 1 milyon nang ibaba ito sa ‘modified ECQ’.

Sa kasalukuyan, bumaba na ito sa 700,000 nang payagan ng pamahalaan ang limitadong operasyon ng mga ‘dine-in restaurants, barberya, at mga parlors.

Kabilang sa mga ‘economic activities’ na papayagan sa ‘GCQ with heightened restriction’ ang 20% indoor dine-in, 50% outdoor dining at mga ‘outdoor tourism’.

 

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with