_ngayon
^
P10K ayuda bill suportado sa Kamara
Ang P10K Ayuda Bill ay inihain ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyado noong February 2021.
STAR/Walter Bollozos, file

P10K ayuda bill suportado sa Kamara

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaasa si dating Speaker Alan Peter Cayetano na magkakaroon ng ‘snowball of support’ para sa kanyang isinusulong at ng mga kasamang kongresista sa Back To Service na P10K Ayuda Bill sa kamara.

Ito ay matapos magpahayag ng suporta sa naturang panukala si Parañaque 2nd District Rep. Eric Olivares. Sa panayam ng DZRJ, sinabi ni Olivares na full support’ siya sa P10K Ayuda  Bill ni Cayetano dahil kailangan ito ng sambayanang Pilipino. “Kung kaya ng budget bakit hindi para sa mga nangangailangan, kung kaya ng appropriation na i-budget po ‘yon para sa nangangailangan full support tayo doon kung kaya ng budget,’’ ani Olivares.

Kaugnay nito, lubos ang pagpapasalamat ni Ca­yetano kay Olivares at sa iba pang mga kongresista na sumusuporta din sa P10K Ayuda Bill.

“May consensus naman talaga ang buong Pilipinas na kailangan ng P10K ayuda ng mga Pilipino at ito’y mabuti sa ekonomiya at ito ay mabuti sa pamilya,” giit ni Cayetano.

Nakiusap din si Cayetano sa mga kapwa kongresista na bilisan ang aksyon at suporta sa P10K Ayuda Bill upang maibigay agad ito sa mga nangangailangan lalo na ang mga pamilyang nawalan ng kabuhayan at inilugmok ng pandemyang COVID-19.

Mahalaga anya na maikasa na ang P10K ayuda upang agad na maaksyunan ang pagbibigay ng iba pang stimulus package para sa ibang sector ng lipunan.

Ang P10K Ayuda Bill ay inihain ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyado noong February 2021.

Sa halip na ito ay talakayin ay isinama ito sa pagta­lakay sa Bayanihan 3 ngunit di rin nabigyan ng halaga dahil mas isinulong pa ng Kamara ang pagbibigay ng P1K sa bawat Pilipino. Ito ay mariin namang tinutulan ni Cayetano dahil hindi anya limos ang kailangan ng mga tao sa kasalukuyan.

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with