_ngayon
^

‘Vaccine pass’, tinanggihan ng DOH

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi sang-ayon ang Department of Health (DOH) sa panukala na magbigay ng ‘vaccine pass’ sa mga indibidwal na kumpleto na ang bakuna para makapasok sa mga ‘indoor establishments’ tulad ng mga restoran.

Iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang sapat na ebidensya na nagpapatunay na 100 porsyentong kayang magbigay ng ‘immunity’ ang kasalukuyang mga COVID-19 vaccines na sumailalim pa lamang sa mga ‘clinical trials’.

Ang tanging tiyak na benepisyo pa lamang ng mga bakuna sa ngayon ay ang mapababa ang malubhang impeksyon at pagkaka-ospital ng mga pasyente, ayon pa sa opisyal.

“Even if you are fully vaccinated… kailangan pa rin po natin magpatupad ng minimum health protocols at ito pong sinasabing vaccine pass ay hindi pa rin po mairerekomenda ng Kagawaran ng Kalusugan,” panawagan pa ni Vergeire.

Tinawag naman ni Metro Manila Council (MMC) Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang panukala na hindi patas sa mga hindi pa nababakunahan dahil sa hindi sapat na suplay ng bakuna sa bansa.

“Yung pagbibigay ng vaccine pass, it would be unfair sa mga di pa po naba-vaccinate dahil di pa po supisyente ang ating vaccine,” ayon kay Olivarez.

 

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with