_ngayon
^
COVID-19 cases sa 'Pinas nasa 1.13-M na; patay palapit na ng 19,000
A health worker shows syringes filled with Pfizer vaccine as they administer the first dose to those belonging to A1 (medical frontliners), A2 (senior citizens) and A3 (persons with comorbidity) categories during their continuation of vaccination program for San Juaneños at FilOil Flying V Centre (San Juan Arena) on May 12, 2021.
The STAR/Michael Varcas

COVID-19 cases sa 'Pinas nasa 1.13-M na; patay palapit na ng 19,000

(Philstar.com) - May 14, 2021 - 4:02pm

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,784 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Biyernes, kung kaya nasa 1,131,467 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,131,467
  • Nagpapagaling pa: 58,986, o 5.2% ng total infections
  • Kagagaling lang: 2,972, dahilan para maging 1,053,523 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 137, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 18,958

Anong bago ngayong araw?

  • Ngayong araw naman pipirmahan ang "term sheet" para sa 40 milyong doses ng COVID-19 vaccines mula Pfizer-BioNTech, bagay na kinumpirma ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.

  • Inanunsyo naman ng Commission on Elections na magpapatuloy ang pagpaparehistro para sa 2022 national at local elections simula Lunes, ika-17 ng Mayo, ngayong ilalagay na uli sa mas maluwag naw general community quarantine ang NCR Plus.

  • Hindi naman pabor si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa mga naunang mungkahi na magkaroon ng mga "vaccine passes" para magkaroon ng access ang mga fully vaccinated citizens sa mga indoor establishments, lalo na't posible pa rin daw tamaan at makahawa ng COVID-19 ang mga nabakunahan na.

  • Ipinaliwanag din ni Vergeire na maraming naging salik sa pagbabalik ng Metro Manila at apat na katabing probinsya nito sa GCQ, kasama na riyan ang 2-week growth rate, average daily attack rate at mga gatekeeping indicators.

  • Umabot na sa halos 160.1 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 3.32 milyong katao.

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

COVID-19 TALLY PHILIPPINES COVID-19 VACCINES DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with